BUMAGAL ang bagyong “Nando” habang papalabas ng Philippine Area of Responsability (PAR).
Namataan kaninang umaga na tinatahak nito ang hilagang Basco, Batanes.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong Nando sa layong 120 kilometro ng Hilaga-silangan ng Basco, Batanes o 200 kilometro ng Timog-silangan ng Taiwan dakong 10:00 ng umaga kanina.
Nabatid sa PAGASA nakataas ang babala ng signal number 2 sa Batanes Group of Islands at nakataas naman ang signal number 1 sa Calayan at Babuyan Group of Islands.
Si Nando ay may lakas ng hangin na 95 kilometro bawat oras (KPH) malapit sa gitna at may bugso ng hanging hanggang 120 kilometro bawat oras (KPH) at kumikilos sa direksyon ng Hilaga sa bilis na 15 kilometro bawat oras (KPH).
Ayon sa PAGASA, inaasahang palabas na ng Philippine Area of Responsability (PAR) ang bagyong Nando bukas ng umaga (Huwebes) bago magtanghali.
At sa Biyernes ng umaga inaasahan itong nasa 750 kilometro na ng Hilaga ng Basco Batanes.
The post Bagyong “Nando” bumagal habang papalabas ng bansa appeared first on Remate.