PATONG-PATONG na kaso ang bubunuin ng dalawang Irish national, nabukod sa sipa at suntok ay dinuraan pa nila sa mukha ang dalawang pulis na umawat sa kanilang pagwawala sa isla ng Boracay kaninang madaling-araw (Agosto 30).
Sasampahan ng kasong alarm scandal, resistance and disobedience to a person authority at nakaditine na ngayon a Aklan Rehabilitation Center ang mga suspek na sina Christopher McManus, 21-anyos at Dickland Craig, 27-anyos, kapwa taga Ireland at nagbakasyon lang sa isla.
Sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nag-away ang dalawang dayuhan dakong 12:30 ng madaling-araw nang dahil sa sobrang kalasingan.
Rumesponde naman sina PO1 Daryl Dormedo at PO1 Algie Miranda sa insidente pero imbes tumigil ay sinipa, sinuntok at saka dinuraan pa sila ng mga suspek.
The post Nagwawalang Irish nationals nandura ng parak, kalaboso appeared first on Remate.