TODAS ang isang mister ng pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang dalawang salarin sa harap ng kanyang asawa Huwebes ng gabi, August 29, sa Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Dead-on-the-spot sa loob ng bahay ang biktimang si Rodrogo Morada, 61, may asawa, ng Flovi 6 homes phase 5, Tonsuya ng lungsod sanhi ng maraming tama ng kalibre .45 at .9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek tangan ang kanilang ginamit na baril.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina P02 Jun Belbes at P02 Glenn Isidto, ng Criminal Investigation Brance (CIB), ng Malabon pulis, alas -9:10 ng gabi ng maganap ang krimen sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Base sa pahayag ng asawa ng nasawi na si Florida Morada, nagpapakulo ng tubig ang kanyang mister ng bigla na lamang siyang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nakita na lamang niyang duguang nakahandusay ang kanyang asawa na agarang namatay.
Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ng 4 na empty shell ng kalibre .45, dalawang slug naman ng 9mm at isang naiwang magazine ng kalibre .45 na may bala pa.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.
The post Mister binaril sa harap ng asawa, dedo appeared first on Remate.