TIGBAK ang isang kelot nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang motorcycle riding men habang sugatan naman ang isa pa nang tamaan ng ligaw na bala Huwebes ng gabi, August 29, sa Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas City.
Patay sa pinangyarihan si Bengie Taniquicruz, ng Blk 4, Phase 3 Dagat Dagatan, Malabon City sanhi ng dalawang tama ng kalibre .45 sa katawan.
Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center si Jomar Calugbang, 20, binata, ng Blk 34, Phase 2 Area 2 NBBS matapos na mahagip ng ligaw na bala sa hita.
Sa ulat na ipinadala ni Sr. Supt. Conrado Gongon, hepe ng Navotas pulis, sa tanggapan ni Chief Supt. Joel. Ma. Alvarez director ng Northern Police District, dakong 7:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa Matambaka St., kanto ng Lapu Lapu Ave., NBBS.
Nauna rito, naglalakad ang biktima sa nasabing kalsada ng biglang dinikitan ng mga suspek sakay ng motorsiklo at agad na bumaba ang isa at nagbunot ng baril at dalawang ulit na pinaputakan ang biktima na agarang ikinasawi nito.
Naglalakad lamang si Jomar ng tamaan ng ligaw na bala.
Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng get-away na Yamaha Barako, kulay itim, na hindi na plakahan.
Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crime Operatives (SOCO) ng dalawang basyo ng kalibre .45 na ginamit sa krimen.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing krimen.
The post 1 patay, 1 sugatan ng pagbabarilin ng motorcycle riding men appeared first on Remate.