Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sekyu na napagkamalan na rebelde, pinalaya ng CA

$
0
0

IPINAG-UTOS ng Court of Appeals (CA) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na palayain ang security guard na inaresto noong Oktubre 2012 dahil sa umano’y pagiging opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa 23-pahinang desisyon sinabi ng CA Fifth Division na kumbinsido sila na mistaken identity o pinagkamalan lamang ng mga miyembro ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army at Philippine National Police si Rolly Mira Panesa bilang si Danilo Benjamin Mendoza, secretary ng CPP sa Southern Luzon.

Paliwanag ng CA, hindi kamukha ni Panesa na may edad 40 si Mendoza na 61-anyos na.

Bukod dito, sinabi pa ng CA na nagsinungaling ang PNP nang sabihin nito na kasama ang kanilang tipster bago at hanggang sa maaresto si Panesa sa Quezon City noong Oktubre ng nakaraang taon.

Lumitaw sa pagdinig na nakita lang ng tipster si Panesa nang ito’y nakakulong na sa loob ng isang kwarto sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Lumabas ang desisyon ng CA dalawang linggo matapos na ibigay ng AFP sa tipster ang pabuyang P5.6 milyon para sa ikadarakip ni Mendoza na may mga kasong rebellion, murder, frustrated murder at iba pa.

Inatasan na ng CA ang Security Intensive Care Area ng Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig na palayain si Panesa.

The post Sekyu na napagkamalan na rebelde, pinalaya ng CA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>