HINULI ng Land Transportation Office-Law Enforcement Section kaninang 7:00 ng umaga Agosto 30,2013 (Biyernes) ang 12 sasakyan na may pasong commemorative plate sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City .
Ayon kay LTO-LES director Mohammad Lamping ang mga expire na commemorative plates ay nakumpiska mula sa mga pribadong motorista.
Sinabi pa ni Lamping na kabilang sa mga kinumpiskang commemorative plates ay QCPD, PNP 111, PROSECUTOR, FIREARMS EXPLOSIVE at iba pa.
Nabatid pa sa director ng LTO na inilunsad ang kampanya laban sa mga pasong commemorative plates matapos magpalabas ng kautusan ni LTO chief Virginia Torres na ang lahat ng mga commemorative plate na inisyu ay mapapaso sa Hulyo 31,2013 at wala nang commemorative plate ang inaprubahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Inatasan din ang Metropolitan Manila Development Authority at PNP-Highway Patrol Group na hulihin ang lahat ng mga sasakyan na gumagamit ng commemorative plate sa kanilang mga sasakyan.
Ayon sa ulat aabot sa halagang P2,500 hanggang P5,000 pesos na halaga ibinebenta ang mga naturang commemorative plate.
The post 12 sasakyan hinuli QC sa paggamit ng expire na commemorative plate appeared first on Remate.