Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Task force binuo vs broadcaster killing

$
0
0

KINONDENA ng Iligan Tri-media Association ang pagpatay  sa “hard-hitting radio commentator” na si Fernando Solijon sa Iligan City nitong Huwebes ng gabi.

Kasabay nito,  mayroon nang binuo ang awtoridad na Task Force Nanding Solijon na tutok sa agarang paglutas sa kaso.

Kasunod naman nito, magsasagawa ng condemnation rally ang naturang grupo mamayang hapon upang ipaabot sa kinauukulan ang kanilang galit sa mga taong nasa likod ng pagpatay kay Solijon na komentarista ng programang Atraka ng Love Radio 108.1 FM na nakabase sa iligan City.

Si Solijon na matagal na ring nakatatanggap ng maraming banta sa buhay dahil sa pagtalakay sa mga isyu katulad ng illegal gambling, illegal logging operations at tungkol sa politika ay pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan habang lulan sa kanyang kotse mula sa pagdalo nito sa isang salo-salo sa Barangay Boro-on, Huwebes ng gabi.

Si Silojon ay namatay sa tama ng 13 bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

The post Task force binuo vs broadcaster killing appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129