Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Order of Battle vs smugglers, ipinalabas ni Biazon

$
0
0

SA layuning lalong mapalakas ang kampanya at malipol ang smugglers sa bansa, ipinag-utos ni Bureau of Customs Commissioner Rozzano ‘Ruffy’ Biazon sa Intelligence Group (IG) ng ahensya ang paglalagay sa tinatawag na ‘Order of Battle’ (OB) ng mga pangunahing indibidwal at malalaking grupo na may kinalaman sa iligal na gawain.

Sa isang panayam sa Customs chief, sinabi nito na ang mga malalagay sa OB ay magiging focus ng lalong pinaigting na anti-smuggling campaign ng Pamahalaang Aquino na nagbigay ng go-signal sa una upang i-implement nito ang mga programang pangreporma at epektibong masugpo ang korapsyon sa kawanihan.

“We always heard that (name of suspected smugglers) but I have yet to see the actual list so I directed the IG to come out with it and submit it to me as soon as possible,” ani Biazon.

Nabatid na ang huling kautusan ni Biazon ay isa lamang sa mga “to do” list na kanyang pinagagawa sa IG, kung saan ito ay kanyang personal na pinamumunuan, nang kanyang pulungin ang mga opisyal at tauhan nito kamakailan.

Naging bakante ang pamunuan ng IG makaraang tanggapin mismo ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ginawang pagri-resign ni retired Gen. Danilo Lim bilang deputy commissioner for intelligence at hepe nito (IG).

Kasunod nito, ang pag-approve ng Pangulo sa kahilingan ng BoC chief na pansamantala niyang pamunuan ang IG upang hindi maakpetuhan ang kampanya sa smuggling at iba pang ilegal na gawain sa ahensya.

“With the list, the public can now expect more quality prosecution of suspected smugglers, the so-called ‘top guys’ who have managed to elude identification, much less conviction, all these years,” paliwanag pa ni Biazon na dating mambabatas mula sa Muntinlupa City.

Nitong nakaraang lingo, ipinag-utos mismo ni Biazon ang paglusaw sa lahat ng ‘special task forces’ ng ahensya kasama na ang ‘Task Force React’ na mismong kanyang itinatag nang siya ay umupo bilang hepe ng BoC noong Setyembre 2011.

Aniya, tama lang na mabuwag ang mga ito dahil kanyang nabatid at napag-aralan na ang mga ito ay may “overlapping” functions.” Dagdag pa niya, magi-issue siya ng isang memorandum order para sa kaalaman ng mga kinauukulan kung anu-ano itong task force na nabuwag.

Kamakailan, personal na nag-file si Biazon ng smuggling case laban sa isang negosyante mula sa Caloocan City na si Roberto M. Navarra at Lucman A. Calbe Jr., isang customs broker.

Ang mga ito ay sangkot sa tangkang pag-smuggle ng isang “recreational submarine” na nagkakahalaga ng P5-million mula sa South Korea nitong buwan ng Marso, ayon kay Biazon.

Lumalabas na umabot na sa 142 smuggling cases ang pormal na naisampa ng BoC simula ng Aquino administration sa ilalim ng programang ‘Run After the Smugglers’ (RATS) ng ahensya.

The post Order of Battle vs smugglers, ipinalabas ni Biazon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>