Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

5 volcanic quakes, naitala sa Taal; Mayon nagbuga ng usok

$
0
0

LIMANG volcanic quakes ang naitala sa Taal volcano sa Batangas sa loob ng 24 oras habang nagbuga naman ng puting usok ang Mayon volcano sa Albay, ayon sa ulat ng  state vulcanologist kaninang umaga (Setyembre 1).

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS) na habang ang alert level 1 sa Taal ay nananatili, pinaalalahanan naman ang publiko laban sa paglapit sa bibig ng bulkan o sa mismong main crater.

Sinasabi na sa ilalim ng Alert Level 1, walang magaganap na mapanganib na pagsabog o hazardous eruption ay malayo pang mangyari.

Gayunman, ang main crater nito ay strictly off-limits “because sudden steam explosions may occur and high concentrations of toxic gases may accumulate.”

“The northern portion of the Main Crater rim, in the vicinity of Daang Kastila Trail, may also become hazardous when steam emission along existing fissures suddenly increases,” dagdag pa ng babala.

Sinasabi rin na ang kabuuan ng Volcano Island ay isang Permanent Danger Zone (PDZ), at ang pagtira sa isla ay hindi inirerekomenda.

Sa kabilang dako, sinabi ng Phivolcs na ang Mayon Volcano san Bicol ay hindi naman nagrehistro ng kahit na anong volcanic quake sa loob ng 24 oras, pero nagbubuga ito ng puting usok na inaanod pa kanluran-silangan, kanluran at kanluran hilaga-kanluran.

Naobserbahan din na may faint (Intensity I) crater glow sa bulkan nitong Sabado ng gabi, dagdag pa.

Dahil abnormal ang kondisyon nito, pinaalalahan din ng Phivolcs ang publiko na lumabas sa 6-km Permanent Danger Zone (PDZ).

The post 5 volcanic quakes, naitala sa Taal; Mayon nagbuga ng usok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>