Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Diabetic na sekyu nagbigti, patay

$
0
0

NAGPAKAMATAY sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 27-anyos na security guard makaraang talunin umano ito ng kanyang nararamdamang depresyon dahil sa taglay nitong sakit na diabetes kung saan ay natagpuan na lamang itong walang buhay sa loob ng kanyang silid kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Patay na nang matagpuan ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktimang si Anthony Boroc, ng Mary Gold St., Rivera Village ng lungsod.

Sa pahayag ni Blondie Boroc, 28, nakatatandang kapatid ng biktima, kay SPO1 Evaristo Sarang-ey ng Pasay City police, kamakalawa ng gabi ay umuwi umano ng kanilang bahay si Anthony na may bitbit na dalawang bote ng beer at nagkulong sa kanyang silid.

Dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang katukin ng kanyang tiyahing si Myrna Reyes ang biktima at nang hindi ito sumasagot ay puwersahang binuksan na ang pinto ng silid. Dito na nakita ang nakabiting bangkay ng biktima, gamit ang isang nylon cord.

Napag-alaman kay Blondie, tuluyang nasadlak sa depresyon ang kanyang kapatid mula nang putulin ang isa niyang binti dahil sa tinataglay na sakit na diabetes.

Pansamantala namang inilagak sa Veronica Funeral Homes ang bangkay ng biktima upang doon isagawa ang pag-awtopsiya.

The post Diabetic na sekyu nagbigti, patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>