RIZAL- Isa na namang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution o salvage ang natagpuan ng mga awtoridad kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taytay.
Ayon kay Taytay chief of Police P/Supt. Martinez, ang bangkay ay maytaas na 5” feet, nasa pagitan ng edad na 40 hanggang 45 at nakasuot ng kulay asul stripe na polo shirt.
Sa ulat, alas-7:40 ng makatanggap ng tawag ang Taytay PNP kaugnay ng pagkakadiskubre ng bangkay sa Rizal Techno Park Executive Village, Brgy. San Juan ng nasabing bayan.
Ayon pa kay Supt. Martinez, ang bangkay ay nakabulagta sa gilid ng kalsada na may ballot ng packaging tape ang buong ulo at mukha at naka-gapos pa ang mga kamay.
Nabatid na walang ring kahit na anong mapagkakakilanlan sa nasabing biktima at walang nakakakilala sa mga residente sa nasabing lugar.
Narekober rin sa pinangyarihan ng krimen ang isang isang live ammunition ng kalibre .45 baril, isang fired cartridge at isang deformed fired bullet.
Hinala ng pulisya maaaring ang bangkay ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa bayan ng Taytay para iligaw ang imbestigasyon.
Nabatid pa na hindi ito ang unang insidente ng pagkakadiskubre ng mga bangkay na biktima ng summary execution sa Taytay.
The post Salvage victim, natagpuan sa Taytay appeared first on Remate.