Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pulis kinatalo ng kalugar

$
0
0

RIZAL- Maging ang isang pulis ay hindi nakaligtas sa lupit ng mga kawatan matapos na sapilitang buksan ang sasakyan nito at nakawin ang dalawang magazine ng kalibre .9mm na baril at ilang kagamitan kamakalawa ng gabi sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of Police P/Supt. Manuel Placido, ang biktima na si PO3 Jesus Erese, 54 anyos, may asawa, nakatalaga sa Marikina Police Station at resident eng Sitio Uulan, Brgy. Dela Paz, ng nasabing lungsod.

Naaresto naman ang suspek na si Raymart Rebosa, 18 anyos, binata, kalugar ng biktima matapos na ituro ng ilang kalugar na nakakita sa ginawang pagnanakaw.

Sa ulat,  alas-9:00 ng gabi kamakalawa ng iparada ng biktima ang kanyang puting Mitsubishi L-300 van, na may plakang UCW 488, sa  Crown Alley St. Valleygolf, Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Dakong 6:30 ng umaga kinabukasan nang  inireport ng ilang kapitbahay ang ginawang pagnanakaw ng suspek sa sasakyan ng nasabing pulis at ang pagkakakita ng mga basyo ng bala na nagkalat sa bakuran nito.

Nang komprontahin ay kaagad namang umamin ang suspek at ibinalik ang kanyang mga ninakaw.

Kabilang sa mga ninanakaw ng suspek ang isang bag na naglalaman ng PNP t-shirt, PNP bullcap at isang green na pantalon.

The post Pulis kinatalo ng kalugar appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>