MALUBHANG sugatan ang isang birthday boy nang pagbabarilin ng isang barangay tanod kaninang madaling-araw Sept 2, sa kanto ng Yanga at MH. Del Pilar Maysilo, Malabon City.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Memorila Medical Center si Aristom Baluyot y Ponso, 32, may asawa ng 21 Dionisio St., ng nasabing barangay sanhi ng mga tinamong tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa paa at sa katawan.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Willy Marayag, tanod ng nasabing barangay at stay-in sa barangay hall.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina Sp01 Edcel Dela Paz at P02 Jun Belbes, dakong 2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng barangay outpost sa nasabing lugar.
Nauna rito nagdiwang ng kaarawan ang biktima at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan, habang mag-isang naglalakad pauwi napadaan sa outpost na tinatanoran ng suspek.
Sa hindi malamang kadahilanan nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa mapikon ang suspek agad nagbunot ng baril at sunod sunod na pinaputukan ang biktima.
Tumakas ang suspek bitbit ang ginamit na baril habang ang biktima ay dinala ng kanyang asawa sa nasabing ospital.
Inaalam ng pulisya ang tunay na motibo sa insidente.
The post B-day boy binaril ng tanod, kritikal appeared first on Remate.