IMBES na mga manok ang magsabong sa sabungan, mismong mga sabungero ang nagbunuan at nauwi sa madugong barilan na ikinamatay ng isang license officer at isang dating pulis sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang si SPO2 Roberto Paulino, 56, retired police, residente ng 74 San Miguel Rd., Delpan, Binondo Maynila matapos makipagpalitan ng putok sa suspek na si Julieto Oliver, 41, isang license officer, naninirahan sa 565 Area-A Gate 2 Parola, Tondo, Maynila na binawian rin ng buhay matapos isugod sa ospital.
Ayon sa inisyal na ulat ni SPO1 Jonathan Moreno, sa Manila Police District (MPD)– Homicide Section, nagsasabong umano ang dalawa nang magkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pagsuntok ng biktima sa suspek.
Agad namang bumunot ang suspek ng kalibre. 45 at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa kanang binti. Bagama’t may tama ng baril, nakuha pa ng biktima na bumawi ng putok sa suspek nang paputukin nito ang dala nitong kalibre .38 o mas kilala sa tawag na paltik.
Dahil sa dispalinghadong paltik ng biktima, pinaulanan na ito ng suspek ng putok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ulo na agad nitong ikinamatay.
Nagtamo ang biktima ng limang tama ng baril kabilang dito ang dalawang tama sa ulo, isa sa kanang bahagi ng likod, isa kaliwang tagiliran at isa sa kanang binti.
Gayunpaman, isinugod ang biktima sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila ngunit binawian ng buhay kaninang alas-7:35 ng umaga.
Narekober naman ng MPD – Homicide Section sa pinangyarihan ng insidente ang talong basyo ng kalibre .45, tatlong basyo ng bala mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril, isang basyo ng kalibre .9mm.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya katulong ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang makalap ang impormasyon kung papaanong naganap ang insidente.
The post 2 sabungero nagbarilan, patay appeared first on Remate.