MATAPOS makaranas ng labis na takot na mapag-isa o tinatawag na claustrophobia habang nasa loob ng Fort Sto. Domingo sa Sta Rosa, Laguna kaninang madaling-araw (Setyembre 2), inilatag na rin agad ng awtoridad ang suicide watch kay Janet Napoles, ang utak sa multi-billion peso pork barrel scam.
Dahil dito, ipinagbabawal na sa loob ng 25 square meter cell ni Napoles na itinuturing na isang high value detainee ang matutulis na bagay na maaari nitong magamit para kitlin ang sariling buhay.
Maliban pa rito, titiyakin din ng kanyang dalawang PNP-SAF custodian na wala itong mahahawakan na bagay para makatakas, ayon kay Deputy Director General Felipe Rojas, Philippine National Police (PNP) deputy chief for operations.
Si Napoles ay inatake ng anxiety attack na isang uri ng phobia na may labis na pagkabahala na mapag-isa kaninang 3 ng madaling-araw habang nasa kanyang bungalow type detention cell.
Ayon sa mga tumingin na doktor kay Napoles, ito ang karaniwan na nararamdaman ng taong dumaan sa labis na pag-aalala, pagod, depresyon at sa huli pa ay nawala’y sa mga mahal sa buhay.
Sinabi naman ni PNP-SAF director Chief Superintendent Carmelo Valmoria na inalis na rin nila ang kurtina at mga sapatos na may sintas sa kulungan ni Napoles.
“We assure the public that there are no ropes or curtains inside. There are no sharp objects there. Even toothbrush handles have been broken,” pahayag ni Valmoria.
Tinakpan naman ng mga sako ang pader na nakapalibot sa nasabing bungalow para may kaunting privacy si Napoles.
The post Suicide watch, inilatag vs Napoles appeared first on Remate.