NAPULOT sa basurahan ang isang kambal na fetus sa Benguet.
Ang kambal na fetus, na tinatayang 6 hanggang 7 buwan pa lamang ay isinilid sa isang plastic bag at inihalo sa bundok na basura sa Barangay Mamaga, Balili, La Trinidad, Benguet nitong nakaraang Sabado.
Ayon kay Nora Felipe, residente sa lugar, ibinunukod niya ang nabubulok at hindi nabubulok na basura nang mapansin niya ang isang plastic na puno ng dugo.
Umandar ang pagkausyoso, sinilip ni Felipe ang laman ng plastic bag at tumambad sa kanya ang kambal na fetus na pinaluputan ng rosaryo ang katawan.
Agad niya itong ipinaalam sa mga operatiba ng La Trinidad Municipal Police at dinala ang fetus sa isang ospital sa munisipalidad at saka inilibing sa malapit na sementeryo.
Sa imbestigasyon, lumalabas na hindi residente sa nasabing barangay ang nagtapon sa kambal na fetus dahil sa matandang kasabihan na sa ibang bakuran ilibing mo ang basura mo.
The post Kambal na fetus, napulot sa basurahan appeared first on Remate.