Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ganti ng BIFF sa N. Cotabato, pinaghahandaan

$
0
0

NAGHAHANDA ng estratihiya ang pulisya at military lab sa ilalatag na retalyason ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters kasunod ng dalawang engkuwentro sa militiamen at armadong magsasaka nitong nakaraang lingo na ikinamatay ng limang BIFF bandits.

Sinabi ni Captain Tony Bulao, spokesman ng Army’s 602nd Brigade, na ang unang engkuwentro ay nagsiklab sa ikinasang pagatake ng bandido  sa isang Citizens Armed Forces Geographical Unit detachment sa Barangay Paidu Pulangi sa Pikit town nitong nakaraang Linggo.

Pumuwesto ang ang mga bandido sa isang 10-metrong lawak ng ilog sa Barangay Dasawao sa Saidona town sa Maguindanao, at nagpaputok ng rockets at assault rifles sa CAFGU detachment na nasa kabila ng ilog na naghihiwalay sa dalawang probinsya, na humantong sa isang maikling sagupaan.

Kinabukasan, natagpuan ng mga sundalo at ng civilian volunteers ang isang inabandonang pump boat na may tatlong bangkay na tadtad ng bala na kinilalang mga  BIFF bandits na napatay sa engkunwentro.

Dalawa pang bandido ang iniulat na napatay sa naganap na engkuwentro nitong nakaraang Lunes laban sa mga  militiamen at mga resindente sa Purok Mirasol sa Barangay Palumugin sa Midsayap town na nasa unang  distrito ng North Cotabato.

Dumating ang mga BIFF bandits sa Purok Mirasol mula sa isang mala-ilog na lugar malapit sa Libungan town sakay sa mga pumpboats, at sinunog ang mga kabahayan kaya napilitan ang mga residente na magsilikas para iligtas ang sarili.

The post Ganti ng BIFF sa N. Cotabato, pinaghahandaan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129