TINATAYANG pitong sundalo ang sugatan makaraang sumabog ang landmine sa Sitio Lantaan, Barangay Napnapan sa Pantukan, Compostela Valley kaninang madaling-araw.
Ayon kay Captain Alberto Caber, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom), nagpapatrolya ang mga miyembro ng Philippine Army ala-1:00, Martes ng madaling-araw nang mangyari ang insidente.
Itinuturo naman na ang New People’s Army (NPA) ang responsable sa pagpapasabog.
Ipinag-utos na ang pagsuyod sa mga lugar na dinadaanan ng sibilyan upang matiyak na walang nakatanim na pampasabog doon.
The post Landmine sa Compostela sumabog: 7 sundalo sugatan appeared first on Remate.