NAARESTO na ng Manila Police District (MPD) ang dalawa sa apat na miyembro ng “gun for hire” syndicate na responsable sa pagpatay sa isang Engineer ng Malacanang at live-in partner nito sa Sampaloc, Maynila.
Kapwa nakakulong sa detention cell ng MPD-homicide section, ang suspek na sina Elvis Venus, 35, taxi driver ng No. 2 12th St. Damayan East, New Manila, Quezon City at Danilo Ocampo, 37, isang kusinero, ng 109 Sitio Mendez, Old Balara, Quezon City.
Si Venus at Ocampo ay kapwa suspek sa pagpatay kina Winebaldo Serrano, 52, isang Engineer ng Presidential Management Staff sa Malacanang at live-in partner nito na si Leticia Gundayao, 49, empleyado ng PLDT sa SM Centerpoint, Sta. Mesa, Manila.
Sa report ni Senior Insp. Steve Casimiro, Hepe ng MPD-homicide section, ang mga suspek ay naaresto sa magkasunod na oras dakong 2:00 ng hapon, si Ocampo sa isa nitong tinitirhan sa Pugad Lawin, Project 8, Quezon City habang si Venus ay naaresto sa Araneta Ave., Quezon City habang ipinapagawa nito ang kanyang minamanehong Taxi(UVV 322).
Sinabi ni Casimiro na naaresto si Venus habang ipinapagawa nito ang kanyang minamanehong Taxi (UVV 322) habang kasunod naman naaresto si Ocampo sa kanyang bahay matapos namang ituro ni Venus ang kanyang kinaroroonan.
Dagdag pa ni Casimiro, lumilitaw na gun for hire si Venus na siyang nagmaneho noong naganap ang insidente at kausap nito ang mismong gunman habang kilala din umano ni Ocampo ang nagsilbing middleman.
Matatandaan na binaril at napatay si Serrano at Gundayao habang papasok sila sa gate ng kanilang bahay sa 149 Prudencio St., Sampaloc, Maynila matapos na sunduin ng una ang huli sa kanyang trabaho nang pagbabarilin sila ng mga suspek dakong 12:15 ng madaling-araw noong August 30.
Matapos ang pamamaril ay kaswal na naglakad papalayo ang mga suspek kasama ang dalawa pa nilang kasamahan na nasilbing look out.
Ayon kay Casimiro, inamin umano ni Venus ang insidente subalit itinanggi naman ni Ocampo.
The post 2 suspek sa pagpatay sa maglive-in, arestado appeared first on Remate.