DAHIL sa masangsang na amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang dating seaman sa loob ng kanyang shop sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City kaninang umaga Setyembre 06,2013 (Biyernes).
Kinilala ang bangkay ng biktima na si Zoilo Oliver, 42, ng 135 St., Brgy. Sauyo, Novaliches, Dist.6, QC.
Ayon kay Barangay Police Security Officer Ex-O, Jun Agustin ng Brgy. Sauyo, dakong 8:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima matapos magreklamo ang ilang kapitbahay nito dahil sa mabahong amoy.
Nang buksan nila ang pinto ay dito na tumambad ang bangkay ng biktima na naaagnas sa loob ng nasabing electronic shop na pag-aari din ng biktima.
Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives ng QCPD kung ano ang dahilan ng ikinamatay ng biktima.
Napag-alaman na ang biktima ay dating seaman at ang asawa nito ay nasa ibayong dagat naninirahan.
The post Bangkay ng lalaki nadiskubre dahil sa masangsang na amoy appeared first on Remate.