KALABOSO ang isang kelot matapos pagputul-putulin at nakawin ang mga kable ng telepono sa Caloocan City, Sabado ng madaling-araw, Setyembre 7.
Nakilala ang suspek na si Jose Borromeo, 38, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod.
Batay sa ulat, alas-4 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis na pinuputol ng suspek ang mga kawad ng Philippine Long Distance Company at Globe Telecom sa Camarin ng lungsod.
Nang respondehan ay nakita ang suspek na bitbit ang mga kawad na naging dahilan upang dakpin.
Lumalabas na aabot sa P40,000 ang halaga ng kable ng PLDT habang P25,000 naman ang sa Globe ang pinutol ng suspek.
The post Lalaki nangulimbat ng kable ng telepono, tiklo appeared first on Remate.