Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Brgy Chairman, kapatid na pulis, inambus, sugatan

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa politika ang naganap na pananambang na ikinasugat ng isang barangay kapitan at kapatid na pulis matapos na pagbabarilin ng  hindi pa kilalang suspek sa Purok Tapul, Barangay Tiguma, Pagadian City sa Zamboanga Del Sur.

Kinilala ng Pagadian City police station ang magkapatid na biktima na sina Mohibat Pagayao Gumba, 38, ang kasalukuyang barangay kapitan ng Barangay Old Labangan, bayan ng Labangan ng lalawigan at ang panganay niyang kapatid na si PO3 Muktar Pagayao Guimba, 41, na naka-assign sa Marawi City Police Station sa lalawigan ng Lanao Del Sur.

Nabatid sa ulat, dumalo sa isang seminar ang barangay kapitan na isinagawa sa Spring Land Hotel sa Pagadian City at bandang 2:30 kahapon ng hapon pauwi na ang barangay kapitan sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapatid na pulis.

Pagsapit sa lugar ng insidente, bigla na lamang silang pinagbabaril ng ilang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Bagamat sugatan, gumanti ng putok ang pulis kaya umatras ang mga suspek.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng pananambang sa magkapatid at inaalam na ang motibo kung may kaugnayan ang insidente sa politika.

The post Brgy Chairman, kapatid na pulis, inambus, sugatan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>