INABISUHAN ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang publiko na magdala ng panangga sa ulat dahil sa inilabas na thunderstorm advisory sa bahagi ng Southern Luzon.
Inilabas ng Pagasa ang naturang babala laban sa mga biglaang pag-ulan lalo na sa bahagi ng Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas partikular sa Lipa at Nasugbu, maging Southern Quezon at kalapit na lugar.
Inaasahan na tatagal umano ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras na maaring magdulot ng mga pagbaha at paguho ng lupa.
“All are advised to take precautionary measures against heavy rains, strong winds, lightning and possible flashfloods. Keep monitoring for updates,” ayon sa Pagasa.
The post Pagbaha muling ibinabala sa Metro Manila appeared first on Remate.