PINAGPASASAANG gahasain ng apat na lalaki ang isang babae na pinaniniwalaang may deperensya sa pag-iisip sa Brgy. Bayubay Norte, San Vicente, Ilocos Sur.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Rex Reyes, Lester Reyes, Richard Aaron Suyat at Aldwin Bert Fidel, pawang naninirahan sa Brgy. Bayubay Norte, San Vicente.
Sa Ayon kay Police S/Insp. Manuel Viaje, hepe ng San Vicente PNP, niyaya ng mga suspek ang biktima na mag-inuman sa isang kubo.
At ng sila ay malasing, sinamantala ng mga suspek ang pagkalasing at pinagsamantalahan ang 23 anyos na dalaga na nakatira sa nabanggit na barangay.
Matapos ang panghahalay, umuwi ang biktima at nagpatulong sa mga kamag-anak para idulog sa mga awtoridad ang ginawang panggagahasa sa kanya.
Sa ngayon, hinihintay na lang ang resulta ng medico legal examination ng biktima para maisampa ang kaukulang kaso.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang arestuhin ng mga awtoridad.
The post 23-anyos na babae, pinagpasasaan ng apat na manyak appeared first on Remate.