Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Anak ng Phl Navy, dinukot sa Sulu

$
0
0

NASA kamay ng mga hinihinalang kidnapers ang isang babaeng negosyante na sinasabing anak ng isang tauhan ng Philippine Navy na dinukot sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa pahayag ni Col. Jose Cenabre, commander ng Joint Task Force Sulu, kinilala ang dinukot na biktima na si Roan Sioco, dalaga at residente ng Barangay Siganggang, Pandami, Sulu.

Nabatid na bandang alas-7:00 ng kagabi nang puwersahang pinasok ng humigit kumulang 15 mga armadong lalaki ang bahay ng biktima at hinila palabas ng bahay.

Tumakas ang armadong grupo dala ang kanilang dalaga sakay ng tatlong jungkong type watercraft.

Bagama’t agad din umanong nai-report sa awtoridad ang nasabing pangyayari pero hindi na nila naabutan ang mga suspek.

Nabatid na ang dinukot na biktima ay adopted daughter ng isang S/Sgt. Sioco na miyembro ng Philippine Navy at kasalukuyang naka-assign sa Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Zamboanga City.

Kilala umano ang pamilya Sioco sa nasabing lugar bilang mga big time fish dealer.

Paniniwala ng awtoridad na ang panibagong pagdukot ay isa na namang insidente ng kidnap for ransom.

The post Anak ng Phl Navy, dinukot sa Sulu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>