Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPA, nagpapaulan sa Pilipinas

$
0
0

DAHIL sa umiiral na low pressure area (LPA) sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, asahan ang mga pabugso-bugsong ulan sa Visayas at Mindanao maging sa Southern Luzon ngayong araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Kaninang madaling araw natukoy ang sentro ng LPA sa layong 180 kilometro sa Hilagang bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan.

Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone o nagsasalubungang hangin mula sa ibat-ibang direksyon at partikular na apektado ang Visayas at Mindanao.

Inaasahan din ang mga pag-ulan sa bahagi ng MIMAROPA at CALABARZON dahil sa makapal na kaulapan.

Ayon sa Pagasa, mababa na rin ang posibilidad na mabuo bilang ganap na bagyo ang LPA sa Palawan na unti-unti na ring papalayo ng bansa.

The post LPA, nagpapaulan sa Pilipinas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>