ANIM na ang iniulat na namatay habang 24 naman ang sugatan sa sagupaan ng tropang pamahalaan at mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City kaninang madaling-araw.
Sa pahayag ni city mayor Isabella Climaco-Salazar, ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat para ang sitwasyon at maging normal kasunod ng pagatake ng MNLF members sa may apat na coastal barangays ng lunsod.
“Since the start of the crisis at around 4:30 a.m. today, the Zamboanga City Police Office report(ed) that six people were killed — one policemen, one Navy personnel and four civilians and 24 wounded in the course of the encounter between government troops and the rebels,” pahayag nito.
“More casualties are reported on the enemy side,” dagdag nito pero hindi naman nagbigay ng detalye hinggil dito.
Sinabi pa ng babaeng mayor na apat na barangay tulad ng Sta. Catalina, Sta. Barbara, Talon-talon at Mampang ang naapektuhan na ng sagupaan.
May 30 hostages ang iniulat n naganap sa Sta. Catalina at 200 sa Kasanyangan Village sa Mampang, sambit pa nito.
Sa kabilang dako, sinabi ni Climaco-Salazar na may 600 evacuees mula sa Arena Blanco at Rio Hondo ang tumuloy ngayon sa grandstand, at 847 naman sa Tetuan Central School at Tetuan Parish Church. Ang ilan naman ay nasa Talon-talon National High School.
The post 6 patay, 24 sugatan sa Zamboanga clash appeared first on Remate.