MALUBHANG nasugatan ang isang 35-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Quezon City kaninang umaga Setyembre 9,2013 (Lunes).
Kinilala ang biktima na si Manalo Fabillorin, may-asawa ng Block 12, Ponchita St., Grabble Pit, Bgry. Payatas, QC.
Isinugod sa FEU hospital ang biktima at kasalukuyan inoobserbahan sa naturang pagamutan.
Ayon kay PO2 Hebry Tingle ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong 7:00 ng umaga sa Ponchita St., Grabble Pit,Brgy.Payatas, QC.
Sinabi sa ulat na naglalakad sa naturang lugar ang biktima nang malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na tinatayang nasa 5’3 ang taas, naka suot ng short pants, brown t-shirt at may takip ng face towel sa mukha.
Matapos pagbabarilin sa likod at ulo ang biktima tumakas ang suspek na naglakad lamang na parang walang nangyari.
The post Lalaki sugatan sa pamamaril sa QC appeared first on Remate.