HINDI magiging bagyo ang namataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa hilagang Puerto Princesa City.
Ayon kay Alvin Pura, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), malabong maging bagyo ang namataang LPA dahil palabas na ito ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na namataan ang LPA sa layong 180 kilometro ng Hilaga ng Puerto Princesa City, alas-11:00 ng umaga kanina.
Nabatid pa kay Pura na ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa ay dahil sa namataan ang sama ng panahon nakapaloob sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nagpapaulan sa ilang bahagi ng Palawan, Visayas at Mindanao.
Ayon pa kay Pura malayo na maging bagyo namataang LPA dahil palabas na ito ng West Philippine Sea.
The post Sama ng panahon malabong maging bagyo appeared first on Remate.