Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tatay na gutom, tangkang tagain ang 3 anak

$
0
0

TILA nawala sa sariling katinuan dahil sa naramdamang gutom at kalasingan ang isang 63-anyos na tricycle driver nang pagpapaluin at tangkaing pagtatagain ang tatlo niyang mga menor-de-edad na anak matapos walang madatnang pagkain sa hapag kainan kagabi sa Taguig City.

Inaresto ng mga rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na si Manuel Cuntapay, volunteer barangay tanod ng Lower Bicutan makaraang isumbong ng kanyang mga kapitbahay alas-8 ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Allan Corpuz ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig police, lasing ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at kaagad na naghanap ng makakain.

Sa pag-aakalang inubusan ng pagkain ang suspek, pinagpapalo niya ang tatlo niyang anak, dalawa rito ay babae na may  edad na 12, 11 at ang bunsong lalaki na walong taong gulang, gamit ang kanyang sinturon.

Hindi pa nasiyahan ang suspek at kumuha pa ng itak at iwinasiwas sa mga anak na naging dahilan ng pagtatamo ng sugat sa braso at binti ng dalawang babaeng anak.

Isinailalim ang mga bata sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office subalit tumanggi naman ang ina ng mga ito na ituloy ang reklamo laban sa asawa at iginiit ang pangangalaga pa rin sa tatlo niyang mga anak.

The post Tatay na gutom, tangkang tagain ang 3 anak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>