KALABOSO ang isang tatay matapos mabuntis ang dalagitang anak sa Valenzuela City, Martes ng madaling-araw, Setyembre 10.
Nahaharap sa kasong incestuous rape si Damacsino Palay, 46, ng Dulilia st., Lingunan ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang edad 14, nagsimula siyang halayin ng kanyang ama noong siya ay siyam na taong gulang pa lang.
Pinagbabantaan siya ng suspek na papatayin silang magkapatid kapag nagsumbong kanino man at dahil sa takot ay nanahimik ang biktima.
Dakong 5:30 ng madaling-araw, muling nahalay ang biktima ng suspek sa loob ng kanilang bahay kahit buntis na ng limang buwan ang dalagita.
Nagawang magsumbong ng biktima sa ina na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek bago sinampahan ng nasabing kaso.
The post Tatay kulong nang mabuntis ang dalagitang anak appeared first on Remate.