SUGATAN sa isang anti-drug operation ang official photographer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Marikina City nitong nakaraang Huwebes.
Isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa tiyan ang biktimang si Charlie Magno, dating photographer ng GMA Online bago maging isang PDEA agent.
Ayon kay PDEA spokesman Derrick Carreon, nabaril si Magno ng isang lalaki na huhulihin sa isang drug operation sa Marikina City. Hindi naman nabanggit ni Carreon kung ano ang pangalan ng suspect na kanilang napatay kinalaunan.
Nagawa pa, aniyang, magpaputok ni Magno pero hindi naman nabanggit sa ulat kung tumama ang putok sa suspect.
The post PDEA photographer, sugatan sa Marikina operation appeared first on Remate.