NAREKOBER ang dalawang bangkay ng rebelde kasabay ng pagpapalaya sa bihag na pari sa Zamboanga City.
Sa salaysay ni Fr. Michel Alejo, ng Crisis Management Committee, inilabas ng MNLF si Fr. Michael Ufana kasama ang dalawang labi kahapon ng alas-6:00 ng umaga, Septyembre 12, 2012.
Binihag ng MNLF si Ufana kabilang ang hindi bababa sa 100 residente upang gamitin umano bilang human shield ng mga rebelde.
Dagdag pa ni Fr. Alejo, bilang kaugalian ng mga Muslim, kinailangang ilabas ang mga bangkay para mabigyan ng maayos na libing.
The post 2 bangkay inilabas sabay sa pagpapalayang paring bihag appeared first on Remate.