KULONG ang isang binata makaraang pagsamantalahan ang kanyang menor-de-edad na kasintahan sa loob ng bahay ng suspek sa Brgy. Muzon, Malabon City.
Kinilala ang suspek na si Raymon Codero, 21, ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon.
Sa ulat, alas-12:05 ng hating gabi nang maganap ang insidente sa isang bahay sa Larcola St., Concepcion Malabon
Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ng Women Children and Protection Desk (WCPD), inimbitahan ng suspek ang kanyang kasintahan na itinago sa pangalang Marjorie 16.
Dahil sa kaarawan ng suspek ay pinaunlakan ng biktima ang hiling nito na mag-inuman sila.
Pero nang malasing at makatulog ay dito na siya ginahasa ng suspek.
Dahil labag sa kagustuhan ng biktima ang pangyayari ay agad itong nagreklamo sa pulis dahilan para arestuhin si Raymond.
The post Dalagita na nilasing ng nobyo, nagahasa appeared first on Remate.