TODAS ang 47-anyos na barangay tanod na kapatid ng isang pulis Maynila nang pagbabairlin ng di nakilalang suspek habang papalabas sa kanyang bahay sa Port Area, Maynila kagabi.
Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Ruel Gaa Sr., tanod sa Brgy. 650 Zone 68 District 5 ng 12th Street Port Area, at kapatid ni SPO4 Emerson Gaa, miyembro ng Manila Police District (MPD), sanhi ng limang tama ng baril sa iba’t ibang bahag ng kanyang katawan.
Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa report, alas-10:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa gilid ng bahay ng biktima.
Ayon kay Ruel, 20, anak ng biktima, lumabas sa kanilang bahay ang ama subalit saglit lang ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na putok kaya lumabas siya at nakita ang ama na nakahandusay na.
Agad namang isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay.
Inaalam na kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang krimen.
The post Utol ng pulis-Maynila todas sa ratrat appeared first on Remate.