PATAY ang isang biyudong negosyante matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang holdaper sa tapat bahay ng una sa Caloocan City Sabado ng gabi, Setyembre 14.
Dead on arrival sa Manila Central University Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib si Benito Yang, 52 ng Corregidor St., ng lungsod.
Sa ulat, alas-6:30 ng gabi, umuwi ang biktima at habang nasa tapat ng kanilang bahay ay sumulpot ang isa sa mga suspek sabay hablot sa shoulder bag ng biyudo na naglalaman ng tatlong cellphone at hindi pa batid na halaga ng pera.
Kahit nabigla ay nagawang makipag-agawan ng biktima sa suspek hanggang sa magbunot ng dalang baril ang huli at ipinutok sa una.
Matapos ang insidente ay tumakas ang gunman.
The post Biyudong negosyante patay sa holdap appeared first on Remate.