Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tropical storm Odette, lalong lumalakas

$
0
0

PATULOY na lumalakas ang tropical storm Odette habang papalapit ito sa kalupaan ng Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro bagyo sa layong 790 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City (17.6°N,130.3°E).

Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging umaabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pabugsong 100 kilometro kada oras.

Bahagyang mabagal ang pagkilos ng bagyong Odette sa direksiyong pakanluran at sa bilis na 9 na kilometro kada oras.

Bunsod nito, patuloy pa ring pinagiibayo ng bagyo ang epekto ng southwest monsoon o hanging habagat na siyang nagdadala ng pag-ulan sa western section ng central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Inaasahan naman na tuluyang lalabas ng Philippine area of responsbility ang bagyo ngayong weekend.

The post Tropical storm Odette, lalong lumalakas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129