PINAG-IINGAT ngayon ng ilang Pinay sa Qatar sa mga lalaking manliligaw na nagpapanggap na binata pa.
Ang babala ay kaugnay sa reklamo ng isang babae laban sa kanyang mister sa Qatar dahil napag-alaman nito na tatlong beses na pala itong nagpakasal.
Kinilala ang lalaki na si Ramon Jaramilla Buado, isang engineer, sa nasabing bansa. Samantala, kinilala naman ang nagreklamong asawa nito na si Lolit Ocampo Buado.
Ayon sa ulat, napag-alaman ni Lolit na legal din ang kasal ng kanyang asawa sa dalawa pang babae dahilan upang ireklamo nito ang lalaki.
Ipinagtataka niya na legal umano ang naging mga kasal nito sa National Statistics Office (NSO).
Napag-alaman na nagpakasal ang nasabing lalaki noong taong 2003 at 2011 sa dalawang babae.
Sa ngayon, kasong bigamy ang kinakaharap ni Ramon.
The post Pinoy sa Qatar, inireklamo sa pagpapakasal ng 3 beses appeared first on Remate.