SUMIRIT na sa halos 100 ang kabuuan ng mga napatay sa sagupaan sa lungsod ng Zamboanga sa loob ng siyam na araw na sagupaan sa pagitan ng mga militar at tropa ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sa kabila nito, tiwala ang Zamboanga local crisis management committee na matatapos na bago mag-weekend ang nangyayaring stand-off sa pagitan ng government security forces at armed members ng MNLF.
Sa pang-10 araw ngayon, tuloy pa rin ang ginagawang “calibrated operations” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga natitirang pinagkutaan ng mga rebelde.
Batay sa ulat, kabilang dito ang 72 namatay na MNLF rebels at 11 sa panig ng gobyerno.
Pitong sibilyan naman ang nadagdag sa mga fatalities.
Samantala, mas marami naman ang naiulat na sugatan sa panig ng pamahalaan na nasa 112 kung ikumpara sa siyam na bilang sa MNLF.
Mayroong ding 39 na mga sibilyan ang sugatan. Maliban dito, nasa 67 mga taga-sunod ni MNLF founding chairman Nur Misuari ang hawak na ngayon ng gobyerno matapos maaresto.
The post Patay sa Zamboanga siege, 100 katao na; 112 sundalo, sugatan appeared first on Remate.