SWAK sa kulungan ang isang welderman nang magtangkang magpuslit ng mga tanso kaninang umaga Sept. 19, sa C-4 road Brgy. Longos, Malabon City.
Kinilala ang suspek na si Jeffrey Valdesamson, 26, binata, welder ng Erma Fishing Corporation na matatagpuan sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ni P02 Cleo Bejar, ng Criminal Investigation Branch, (CIB) ng Malabon pulis, dakong 8:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa gate ng nasabing kompanya.
Nauna rito, naghinala ang nakatalagang dalawang company guard na sina Juniver Mesa at Ramel Nuñez sa kahina-hinalang kilos ng suspek habang papalabas ng gate sakay ng bisikleta.
Nang sitahin ang suspek dito natuklasan ang mahigit tatlong kilong tanso na ipinasok sa suot nitong balat na sapatos.
Agad humingi ng ng responde ang sekyu sa katabing headquarters ng police na pinangunahan ni SPO1 Nelson Uy at PO2 Ruel Salas, inaresto ang suspek at dinala sa presinto.
Pormal na sinampahan ng kasong qualified theft si Valdesamson sa piskalya ng lungsod.
The post Welder nagpuslit ng tanso, tiklo appeared first on Remate.