Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Marantan, 12 PNP na dawit sa Atimonan shooting, pinakakasuhan ng multiple murder ng DOJ

$
0
0

PINAKAKASUHAN na sa korte ng Department of Justice ng multiple murder  sa Quezon RTC, si Police Supt.Hansel Marantan at 12 iba pa kaugnay sa Atimonan shooting incident.

Sa  43 pahinang resolution na  may petsang August 30, 2013 na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakakita ng probable cause ang panel of prosecutors para kasuhan ng multiple murder si Marantan at 12 iba.

Pinawalang sala naman si Police Chief Supt. James Melad at 11 iba pa dahil sa kakulangan o kawalan ng sapat na ebidensya.

Dinismis naman ang kasong obstruction of justice dahil sa kawalan ng ebidensya laban sa 7 pulis habang pinakakasuhan sina Police Senior      Inspector John Paolo Carracedo at Lt. Rico Tagure.

Sinabi ni PG Arellano, hepe ng National Prosecution Service, isasampa nila ang kaso ngayong araw na ito.  Matatandaang 13 ang nasawi sa pamamaril sa Atimonan, Quezon noong Enero 6, 2013  kabilang na rito si Victor Siman.

The post Marantan, 12 PNP na dawit sa Atimonan shooting, pinakakasuhan ng multiple murder ng DOJ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>