Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Odette lumakas pa; ilan lugar sa Luzon nilatagan na ng storm signals

$
0
0

LUMAKAS pa ang bagyong Odette habang tinatahak nito ang silangan ng Tuguegarao City.

Ayon kay Fernando Cada, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong Odette sa layong 630 kilometro ng silangan ng Tuguegarao City dakong 11:00 ng umaga kanina, Setyembre 19,2013 (Huwebes).

Itinaas na ngayon sa Signal No. 2 ang Cagayan, Calayan at Babuyan Group of Islands, pahayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinailalim naman sa Signal No. 1 ang Apayao, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Isabela at Batanes Group of Islands.

Lalo pang lumakas ang bagyo habang pumapaikot sa karagatan. Huli itong namataan sa layong 610 kilometro silangan ng Cagayan, na may packing maximum sustained winds na 140 kilometers bawat oras at pagbugos ng aabot sa 170 kph.

Patuloy itong kumikilos ng pa-kanluran sa bilis na 13 kph, pahayag ng PAGASA.

Nakitaan ang Typhoon Odette na magbubuhos ng malakas ng ulan sa kanyang 600 kilometer-diameter.

Pinayuhan naman ang mga residente na nasa ilailm ng storm signals laban sa flash floods, landslides at storm surges.

Mapananib naman ang  seaboards ng Occidental Mindoro at Palawan at ang kabuuan ng eastern seaboard ng  Central at Southern Luzon at Visayas, pahayag pa ng PAGASA.

Palalakasin nito ang southwest monsoon na magdadala ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Western Visayas, Zambales at Bataan.

The post Bagyong Odette lumakas pa; ilan lugar sa Luzon nilatagan na ng storm signals appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129