DUMATING na sa bansa ang overseas Filipino worker na nakaligtas sa parusang bitay sa Saudi.
Ganap na alas-3:03 ng hapon ngayon nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang eroplanong kinalululanan ni Rogelio “Dondon” Lanuza, nahatulan ng parusang bitay matapos makapatay ng isang Arabo na tangkang manggahasa sa kanya.
Agad na dinala sa VIP room sa NAIA si Lanuza kung saan naghihintay ang kanyang mga magulang.
Maya-maya pa ay umalis na ng NAIA ang pamilya Lanuza na pauwi naman ngayon sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.
Si Lanuza ay tumagal din ng 13 taon sa kulungan nang mahatulan ng bitay ng Saudi court noong 2001.
Nakakuha ng pardon si Lanuza sa pamilya ng biktima matapos na unang mag-demand ng 6 milyon SAR na bumaba sa 3 milyon SAR .
The post Dondon Lanuza nasa bansa na appeared first on Remate.