NAPALIIT na ng pulisya ang lugar na maaring pinagdukutan sa advertising manager na si Kristelle “Kae” Davantes bago ito pinatay.
“We are now looking at the area from Filinvest to Las Piñas (the victim’s home city). We are now considering that the crime happened in Las Piñas. We are reviewing if there are private CCTVs (closed circuit television cameras) along the area to her home,” pahayag ni Chief Supt. Christopher Laxa, ang hepe ng task force na binuo para sa kaso.
Sinabi ni Laxa na isa itong “big breakthrough” at pinasalamatan nito ang security camera footage na isinumite ng Muntinlupa police sa nasabing task force.
Sinabi ni Muntinlupa City police chief Senior Supt. Roque Vega, na ipinapakita sa footage na ang biktimang si Davantes ay minamaneho ang kanyang Toyota Altis habang lumalabas sa C5 tollgate patungong South Luzon Expressway dakong 1:19 a.m. at lumalabas dakong 1:31 a.m. sa Filinvest na patungong Alabang-Zapote Road noong Setyembre 7.
Sinabi ni Vega na mag-isa lamang si Davantes sa kanyang kotse at nakitang relax na relax at maaari itong dumaan sa C5 Road patungong Sucat pauwi sa kanyang bahay sa Moonwalk Subdivision sa Las Piñas.
The post Davantes sa Las Piñas City dinukot at pinatay appeared first on Remate.