DAANG pasahero pa rin ang stranded sa iba’t-ibang pantalan dahil sa bagyong Odette.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commander Armand Balilo, may kabuuang 56 pasaherong stranded sa Hilagang Luzon.
Kabilang rito ang 20 pasahero sa Aparri, Cagayan at sa San Vicente ay 36 naman.
Habang mayroon naman kabuuang 86 pasaherong stranded sa hanggang ngayong umaga sa ibat-ibang pantalan ng Bicol region.
Sa Albay ay may 32 at 50 naman sa Sorsogon habang may apat na stranded din sa Masbate.
Apat din ang naitalang stranded sa Palawan.
Bagamat palabas na ang bagyong Odette, nananalasa pa rin ang habagat kung kaya patuloy pa rin ang pag-ulan at malakas na hangin.
The post Daang pasahero stranded sa bagyong Odette appeared first on Remate.