Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kawatan timbog sa Navotas

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang kawatan habang nakatakas ang dalawang kasamahan nang mahuli sa aktong pagnanakaw ng television kaninang madaling araw Sept. 24, sa Sitio Puting Bato Northbay Boulevard South, Navotas City.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Ecota y Toledo, 23, binata, ng R-10 NBBS habang pinaghahanap ang kasamahan nito na nakilala lamang sa pangalang Alvin at Nonoy ng nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas 2:40 ng madaing araw ng pasukin ng mga suspek ang bahay ng biktimang si Remaldo Escala y Pabilalada, 38, gym instructor, ng R-10 Sitio Putting baton g naturang barangay.

Nabatid, nagising sa pagtulog ang biktima ng kumahol ang alagang aso at dito nahuli sa akto na pasan pasan ni Mark ang kanyang televison kaya agad  humingi ng responsable sa barangay tanod na agad namang tumalima na ikinadakip nito at dinala sa presinto.

Narekober sa suspek ang nasabing tv habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan nito.

The post Kawatan timbog sa Navotas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>