IPINAUUBAYA ni COA chief Grace Pulido Tan, sa Philippine National Police (PNP), kung ano ang motibo sa pamamaril na bumalaga sa kanilang tanggapan.
Sinabi rin nito na hindi sila magbibigay agad ng konklusyon para hindi makaapekto sa imbestigasyon.
“In any case, we will not allow this incident to cow us into silence nor defer us from faithfully discharging our constitutional duty. We owe this to God and the Filipino people. Please pray for the safety of every man and woman in the Commission and for continued courage and integrity,” pahayag pa ni Pulido Tan.
Naganap ang insidente sa kainitan ng imbestigasyon sa pork barrel scam na kinasasangkutan ni businesswoman Janet Lim Napoles at ilan sa mga lawmakers.
Naglabas kamakailan lamang ang COA ng isang special audit report na nagbubunyag na may ilan na mga mambabatas ang nakinabang sa pork barrel funds, sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus non-government organizations na ang utak umano ay si Napoles.
Si Napoles ay inaakusahan na naglatag ng pekeng NGOs, at nakipagkuntsabahan sa ilan mga mambabatas para maibulsa ang public funds.
Naisampa na ang kasong Plunder, graft at malversation sa Office of the Ombudsman.
Kaninang 7 ng umaga, pinaputukan ng apat na beses ang mismong opisina ni assistant director Nilda Plaras sa COA main office sa Commonwealth Avenue.
Dalawang basyo ang nakarekober sa opisina ni Plaras pero hanggang ngayon ay wala pang maituro ang QCPD kung sino ang nasa likod ng pamamaril.
The post ‘Hindi ninyo kami matatakot’ – COA chief appeared first on Remate.