Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Serial killer ng mga prostitute, timbog sa Maynila

$
0
0

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lalaking sinasabing serial killer ng mga prostitute sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD), ang suspek na si Joseph Labrador, tubong Pangasinan.

Si Labrador ang itinuturong pumatay sa pickup girl sa loob ng isang motel sa Maynila noong Linggo ng madaling-araw.

Papasakay na ng bus papuntang La Union ang suspek nang ito ay madakip ng mga pulis.

Base sa pahayag ng mga testigo, si Labrador ang huling kasama ng biktima na si Sheena Halili, bago ito natagpuang hubo’t hubad sa loob ng comfort room ng kuwarto sa Carport Inn sa Sta. Cruz, Maynila.

Samantala mariing itinanggi ng suspek ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanya.

The post Serial killer ng mga prostitute, timbog sa Maynila appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>