Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pamangkin ni Misuari at 35 rebelde, sumuko

$
0
0

SUMUKO kaninang umaga (Setyembre 25) sa awtoridaad si MNLF Commander Enir Misuari at 35 pa nitong kasamahan sa ika-17 araw ng bakbakan sa Zamboanga.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 7th Civil Relations Group ng Philippine Army sa pinakahuling ulat mula sa Camp Aguinaldo.

Sinasabing si Commander Misuari ay pamangkin mismo ni MNLF Founder Nur Misuari na ngayon ay tinutugis para pabagutin sa krisis  .

Nakumpiska sa mga rebelde ang 23 high powered firearms kaninang alas-10:30 ng umaga.

Hawak na sila ng awtoridad at isinasailalim sa tactical debriefing.

Sa kabila nito, tumanggi aniyang sumuko naman ang ground commander ng MNLF na si Ustadz Habier Malik at dalawa pa nitong kasamahan.

Nabibilang na lamang aniya sa daliri o lima ang bilang ng nalalabing MNLF ngayon.

Umaasa ang tropa ng pamahalaan na sa pagliit ng bilang ng MNLF sa lungsod, mawawakasan na ang standoff sa lalong madaling panahon.

Una nang naaresto nitong Martes ang isa pang kumander ng rebelde na si Salip Idjal at pito nitong kasamahan.

Sa tala ng AFP, 14 sundalo na ang namatay habang may 147 naman ang sugatan.

Lima sa PNP ang napatay at 14 ang sugatan.

110 MNLF na ang napabagsak habang 12 naman sa sibilyan.

The post Pamangkin ni Misuari at 35 rebelde, sumuko appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129