TINANGAY ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang isang buwan na donasyon ng mga nagsisimba sa simbahan sa Navotas kaninang umaga.
Base sa pahayag nina Merle Desederio, 65 at Lourdes Peres, 67, alas-10 ng umaga ay binuksan nila ang kahon ng abuloy sa loob ng San Ildeponso Parish Church sa Naval st., Navotas East upang muling bilangin ang laman na abuloy sa loob ng isang buwan upang ilagay na sa bangko.
Namangha na lamang sila nang malaman na bawas na ng P77,636.50 na naging dahilan upang magsumbong sa mga pulis.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya dahil sa wala namang sira ang kahon at buo ang dalawang kandado kung saan inaalam na kung inside job ang pangungulimbat.
The post Donasyon sa simbahan sa Navotas ninakaw appeared first on Remate.